Ang pinagbawal sa Exodo 20:4-5 ay hindi ang pag-gawa ng mga imagen, pero sa pagsamba sa mga ito. Ang mga versicolong nakapalibot nito ay nagpapatunay sa ganitong pag-unawa, sila ay nagtutukoy sa pagbigay ng pagsamba sa Dios lamang. Sa versicolo 3 mababasa natin na bawal magkaroon ng ibang dios, "Huwag kang magkaroon ng ibang mga Dios sa harap ko" at sa versicolo 5 mababasa natin na ang Dios ay mapanibughuin. Ang Dios ay nagbigay ng dahilan kung bakit sya "mapanibughuin" dahil sa pagbigay ng pagsamba sa mga ginawang bagay, “Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin” (Exodo 20:5). Sa Exodo 32:8 mababasa natin na ang gumawa ng guyang binubo at ito ay sinamba nila. Sa Levitico 19:14 mababasa matin na ang paggawang pagka-dios ng isang bagay ang ang pinagbawal. Ang pagsamba sa isang imagen ang pinagbawal sa Levitico 26:1 at sa Deuteronimio 5:8-9. Ang tunay na pinagbawal sa Ikaunang Utus ay ang pagsamba sa imagen, ito ay napakalinaw'ng basahin sa 2 Mga Hari 17:12.
Ang dahilan kung bakit kasali sa versicolo ang utus na "Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan" ay ang mga Judeo ay madaling mahulog sa pagsamba ng mga dios-diosan, bilang parte sa isang mundo na sumasamba sa mariming mga dios. Sila ay madaling ihalintulad ang Dios na hindi nakikita sa mga bagay na nakikita, katulad ng mga hayop (Makikita natin sa pag-gawa ng guyang binubo, Ex. 32:8) at ng mga tao (Awit 135:15-17; Deuteronomio 4:28). Dahil hindi pa nila nakikita ang Dios, hindi rin nila kayang ilarawan ang Dios na hindi nila nakikita (Deuteronomio 4:15-16). Ito ay binago sa pagkatao ni Cristo, dahil ang Dios ay nagpakatao (Juan 1:1, 14; Felipos 2:6-8; Colossas 1:15; Hebreo 1:3).
Ngunit, mali ang pagunawa sa Exodo 20:4 kung ang pinagbawal ay ang pag-gawa ng mga imagen, ito ay gumagawa ng pagkakasalungatan, kung ganito ang pagunawa natin sa versicolo. Merong mga versicolong mababasa kung saan ang Dios ay umutus na gumawa ng imagen at siya ay tumangap ng handog na imagen (Exodo 18:25-22; Mga Bilang 21:4-9; 1 Samuel 4:4; 6:5; 11, 17-18; 1Mga Hari 6:23-36, 7:27-39; 2 Mga Cronica 3:5, 7, 3:10-14, 3:16, 4:2-5, 13, 15, 5:7-8). Kung basahin natin ang Exodo 20:4-5 sa contexto na ganap na pinagbawal ang mga imagen, ito ay iminungkahi na ang Dios ay sumalungat. At ito ay impossible na gawin ng Dios, “Hindi niya maipagkakaila ang kaniyang sarili.” (2 Kay Timoteo 2:13, SND).
Sa madaling salita, ang pinagbawal ay ang paggawa ng imagen upang sambahin. Ang pag-gawa nitong bilang isang dios. Ang pinagbawal ay ang pagsamba sa imagen, hindi sa pag-gawa nito.
No comments:
Post a Comment